Susubukan kong buhayin 'tong blog na 'to since matagal na 'to. Maraming mababasa ang mga interesado sa akin at sa mga pinagsasabi ko rito, siguro kung sino ako noon, ngayon at ewan kung nagbago ba nga ko? hehe. Nakakatuwa lang mabasa ang mga nakaraang sulatin, mapa-ingles man o filipino. Baduy at nakakatawa ang mga nailathala ko ngayon-- at doon ako natutuwa. At kung mapapansin nga pala, babagsak din dito ang mga ginagawa kong notes sa Facebook ukol sa lipunan at kung ano ano pa. Kapag napagdesisyunan ko nang i-link 'to sa Facebook, gagawin ko para mabasa naman ng mga kaibigan at kakilala ko ang mga nasa isip ko (kung interesado man sila siyempre).
Ang mga komento't pananaw (kung ano pang klase 'yan) ay malugod kong tinatanggap.
0 comments:
Post a Comment