Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, ang buwan ng Agosto raw ang "Buwan ng Wikang Pambansa". Kaya nga't nagliparan at nagkalat ang mga tao sa mga social networking sites at kung saan-saan na nagsasabing: "Sa buwan na 'to, hindi ako mag-i-ingles, gagamitin ko ang wikang Filipino" Nanunumbalik din ang mga iba't ibang Pilipinong musika't sayaw, literatura at sining nang dahil sa buwan na 'to. Samantala sumagi sa'king isip, hindi ko alam ang itatawag sa isang tao o sa mga taong hindi nakakaalam ng paggunita't pagdiriwang nito sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ewan ko lang sa mga Jejemon na mayroong sariling selebrasyon o pagdiriwang ng "Jejenese" (Jejenese: sariling wika ng mga Jejemons ayon kay Lourd de Veyra), tutal naman e may sarili silang wika. Sa tuwing sumasapit ang buwan na 'to, labis kong naaalala ang mga tanyag na kataga ng "Number One sa puso ng mga Pilipino" na si Jose P. Rizal: (baka sa iba si Manny Pacquaio o 'di kaya si Phil Younghusband)
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala."
Sobrang wild kung iisipin mo no? Sa tuwing naririnig ko rin nga ang mga katagang 'yan, naaalala ko 'yong TV show na 'Bayani' sa dos (ABS-CBN), ayon sa pagkakaalala ko a, ang mga katagang 'yan ay sinambit ni Pepe sa isang patimpalak. Hehe, 'yon lang, di ko na maalala e.
So balik tayo sa sinabi ko, tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto, maraming nakakaalala sa mga katagang 'yan. Muling nahuhukay sa lupa at ginagawang status ng mga tao 'yan sa Facebook o 'di kaya sa twitter o sa plurk, o 'di kaya ginagawang quote para mapansin ng crush nila kapag sila'y mag-gm sa kaibigan nila, at siyempre pa ito ang pinakasolidong kasabihan o slogan ng Komisyon ng Wikang Filipino at siyempre DepEd.
Hindi ko na siguro kinakailangan pang palawakin ang mga katagang sinambit at iniwan ni Rizal. Bilang mga Pilipino, ito nga ang dapat nagpapaalala sa'tin sa pagkalinga't pagpapayaman ng sariling wika. Pwera na lang kung ikaw si Apl de ap ng Black Eyed Peas na ang wika ay "Bebot". Ewan, subukan niyong namnamin ang liriko ng kanyang awit baka sakaling maintindihan niyo.
Bale, salamat kay Rizal dahil sa kanyang mga malulupet na mga kataga, gayon din kay Quezon, siyempre kaya nga walang pasok ang mga paaralan sa siyudad ng Quezon kahapon e, at isa pa, siya ata ang bida sa Buwan ng Wika. Mapapansin mo naman dito o:
Kaya kita mo si Quezon may Q.C. Circle 'yan, Ama ng Wikang Pambansa pa, e 'yong tatay ba ni Gloria? May kaugnayan siguro sa pera bukod nakatatak ang mukha niya sa Dalawang Daang pisong papel na salapi-- saka pakitanong na lang siguro si Mikey Arroyo, baka masagot niya ang tanong na 'yan. So 'yon, muli, salamat kay Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa.
Ang tema ng Buwan ng Wika ngayon ayon sa KWF at sa pakikipagtulungan ng DepEd ay: "Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas" Napakasarap basahin at pakinggan nito, nakakabuhay ng naghihingalong alab sa damdamin ng bawat Pilipino at higit sa lahat-- sumasalamin sa "daang matuwid" ni PNoy. Biruin mo nga naman, halos taon-taon nagkakaroon ng iba't ibang klaseng mga tema para sa Buwan ng Wika na 'to, ang huhusay at malaman ang mga temang nailalabas ng mga Kumisyong saklaw ito. Ang kaso nga lang e, ang paggunita't pagpapayaman ng sariling wika ay nangyayari lamang kada isang buwan sa isang taon ng mga Pilipino. Mas mahaba pa nga ata ang mga buwan na kung saan sumisigaw ang mga mag-aaral ng La Salle ng "Animo" sa Araneta Coliseum. Masaklap pa rito e, isang buwan na nga lang guniginita, e mukhang sumasablay pa at nababale-wala. Kung sa bagay, ba't mo nga naman sasanayin ang sarili na gamitin ang sariling wika kung ang sikat, patok, at "cool" ay ang Ingles? 'Yan din ang kailangan sa totoo lang para hindi mahuli ang mga Pilipino sa "Global Economic Comptetition" na tinatawag. Dahil sa kawalan ng mga "goods and commodities" ng bansa, tanging mga tao ang i-aangat at siyempre pa, Ingles ang kanilang pangunahing armas.
Naisip ko pa, kung may mga dayuhan na dumarayo't nagbabakasyon sa 'ting bansa, mga Pilipino pa nga ang nag-eeffort na mag-Ingles e at ito'y nakakatuwa na nakakalungkot. Naaalala ko ang propesor ko na nag-aral at nanatili sa Japan ng ilang taon, kanyang nasabi na kung ikaw ay isang dayuhan sa bansang Japan, kinakailangan mong matutunan ang Nihonggo: ang kanilang sariling wika. Hindi sila magbubuhos ng oras at pagod para piliting mag-Ingles sa mukha mo. Sa madaling salita, ikaw ang mag-aadjust, hindi sila. Bale yun, kayo na mag-isip at mag-analisa.
Marahil ang bansang 'to ay napakalansa na sa kaloob-looban. Kung ang wika'y binaon na sa limot, gayon din ang kultura't historya ng bansa. Nakakatawang isipin na mas magaling pa mag-ingles ang mga kabataan ngayon kaysa sa pagsasalita o paggamit nila ng wikang Filipino. Kung sa bagay, baduy at korni nga naman mag-Filipino diba? Ito lang 'yon e--
Ingles = Sosyal, mayaman, may dating, malupet, at matalino
Filipino = Pang-mahirap, pangskwater, baduy, jologs, at mahina ang kokote
Kaya kung ako sa inyo sa Buwan ng Wika, sakaling bibili ka ng fishballs, sabihin mo sa mga tropa mo-- "Let's make tusok-tusok of the fishballs". At least, may salitang Filipino pa rin.
Tusukin ko mga dila niyong pasosyal kayo e. Nasa Pilipinas kayo, ba't ka mag-iingles?
Olrek
0 comments:
Post a Comment