Kamakailan lang madalas kong naririnig ang "Azkals", oo 'yung football team ng Pilipinas. Nakakatuwang isipin na sa panahon ngayon, e nagkakaroon na ng audience ang mga manlalaro ng football. Patuloy na bumabagabag sa isip ko kung talaga bang naaappreciate na ng mga Pilipino ang sport na 'to o 'di kaya dahil napapanahon lamang ito dahil sa nasho-showbiz ang isa mga manlalaro ng Azkals na 'yung si Phil Younghusband na 'yan kay Angel Locsin? O pwede ring dahil pangshowbiz 'yung mukha nung Younghusband, subukan niyo i-type sa Google "Philippine Azkals" lalabas 'yung website bilang pangalawang resulta ng mga mahilig magsabi ng "chuva" na 'yan (kung ano mang salita 'yan).
Ang pinagtataka ko, kung may kaugnayan sa showbiz ang isa sa mga manlalaro ng kupunan kaya sumisikat ang sports na 'to, e bakit si Alex Crisano ng PBA, hindi naman sumikat noong nashowbiz siya kay Ethel Booba? Aaa sa bagay, wala naman sa FHM's 100 sexiest 'yung si Ethel Booba e, kung nandun man e, malabong siyang maki-bangka kay Angel Locsin sa top 10.
Malamang nga, pwede maging rason ang pagiging puge at matipuno nung Phil Younghusband (noong tinype ko sa Google 'yung Philippine Azkals, at tiningnan ko ang mga resulta sa mga larawan, puro mukha nung Younghusband ang lumabas e, ang labo, try niyo) Kung sa bagay, mas maraming naging taga-suporta't fans ang Ateneo noong panahon ni Chris Tiu sa UAAP, hehehe.
Siguro nga ang mas naaappreciate ng mga Pilipino ngayon sa football ay 'yung mga manlalaro, hindi 'yung mismong sport na 'to. Halimbawa, subukan nating ipasok si Piolo Pascual o di kaya si John Lloyd Cruz sa eksena bilang malulupit na manlalaro ng Football tulad ni Younghusband, malamang e mas lalong magkakandarapa ang madla at lalong sisikat ang sports na 'to. Sa tingin ko, kikita lalo ang Milo Best sa sem break o di kaya sa summer sa sports na football, siyempre e sikat ang larong 'to sa bansa, sino ba naman ang pahuhuli? At siyempre pa, marami ang magsusuot ng mga jersey ng Football, tulad sa basketball diba, isa 'yan sa mga porma ng mga Pilipino e. Mainit nga naman sa bansa, kaya tama lang na magjersey diba?
Oo nga't nakakatuwa at proud tayong isipin bilang Pilipino ang mga panalo't dangal na ibinibigay ng kuponang ito para sa 'ting bansa. Hindi naman matatawaran ang karangalang dinadala ng kuponang 'to sa bansa, tulad na lang ni Pacman na naging Congressman na diba? Hindi ako magtataka kung isa sa mga miyembro ng Azkals ang maging bahagi ng Pulitika in the future.
E kung ganun lang din, palitan na lang natin ang mga nakaupo sa pwesto, tulad na lamang ni PNoy, imbes na panot at walang gelpren, e 'yung mga tulad na lang ni Phil Younghusband na gwapo't matipuno ang iluklok sa pwesto baka sakaling mas mayroong ma-ilink ang media at mas maappreciate ng taong bayan ang gobyerno ng Pilipinas. Marahil sa mga tulad ni Phil Younghusband mararamdaman malamang ang "daang matuwid".
Olrek
0 comments:
Post a Comment