"Ol-rek" claro ba?

Aug 14, 2011

Aa may komento ka? Sige ilathala mo.

Dalawang tao ang mga naging matunog sa pandinig ko noong nakaraang mga araw (salamat sa media at sa mga social networking sites)-- oo, sina Christopher Lao at Mideo Cruz. Hindi ko sila kilala personally, at wala rin akong intensyon sa sulatin kong 'to na sila'y ipagtanggol o kutyain tulad ng ginagawa ng mga taong-bayan. Nakakatuwa lang basahin ang mga komento ng tao-bayan ukol sa mga ginawa ng mga taong nabanggit (Lao at Cruz).

Mula sa mga komento ng taong-bayan, doon mo makikita't mababata na talagang mayroong "kulang" sa edukasyon na ibinibigay ng mismong bansa natin. Malamang pati sa pagsusulat ko e, may "kulang" ika nga ng iba o sa madaling salita e, "walang sense". Pero ang nakakatuwa lang e, parang ang lahat ay lumalabas na may pinag-aralan kapag sila ay nakapag-komento ukol sa mga taong 'yon. Ay hindi, lumalabas silang matalino at superior sa kanilang pananalita, e ano naman kaya ang kanilang mga adhikain ukol sa mga nabuong isyu sa mga taong 'yon? Siguro ang mga komentong 'yon ay para makapagparating ng kanilang saloobin at opinyon? O, baka naman sila'y tinamaan lang ng "Bandwagon effect", ewan ko lang a. Pero 'yon nga, ano ang layunin ng lahat ng 'yon?

Hindi ko alam, pero sa tingin ko, mas maraming isyu o di kaya bagay sa 'ting bansa o sa buong mundo ang masarap pagbigyan ng mga komento't opinyon. Hindi ko sinasabing 'wag ng mag-komento sa ginawang paglusong ng sasakyan sa baha ni Lao o sa likha ni Cruz na kasalukuyang ine-exhibit sa CPP at sa iba pang mga bali-balita. Kahit naman na sinong tao, kahit ako may sariling opinyon ukol sa mga bagay na 'to. Ang gusto ko lang puntuhin e, nakaka-umay na, uunlad ba ang Pilipinas sa pagbibigay ng mga komento't opinyon sa mga ginawa ng mga taong nabanggit? Ewan, sa tingin ko hindi e.

Hindi kaya talagang naumay na ang bawat isa sa pagbibigay ng mga matatalino't may laman na opinyon ukol sa tunay na sitwasyon ng bansa na magandang mapag-usapan o mapag-diskusyunan bilang mamamayan? O sumusunod na lamang ang bawat isa sa ibinabato ng media sa 'ting mga telebisyon at kompyuter? Hindi ba napapansin ng taong-bayan ang tunay na mga isyu't sitwasyon ng bansang 'to? Hindi ba naiisip ng bawat isa ang mga nilathala ng kasaysayan na hanggang ngayon ay sumasalamin sa 'ting kasalukuyan? -- e sa tingin mo?

Malamang nga e, maiksi ang alaala ng mga Pilipino at saka 'yon, naisip ko bigla, lahat naman ng mga 'yan mapa-Lao o Cruz na isyu 'yan, makakalimutan din ng taong-bayan 'yan. Kung sa bagay, mukhang natutunan ng kalimutan ng mga Pilipino si Gloria. Si Macoy nga mukhang nakalimutan na e, si Gloria, Lao at Cruz pa kaya? Isama mo na rin diyan 'yong mga bumili ng 1 billion php na kape na mga taga-PAGCOR. Hindi kaya kulang lang tayo sa kape diba?



Olrek

0 comments:

Futile Ideas

I

Si Ulrichk ay si Olrek, at si Olrek ay si Ulrichk.