Currently listening to: Slipknot (Gehenna) from All hope is gone album [ayos to.]
Nakakatuwang isipin na ginaganahan ako magpost ng entry ngayon, kahit na wala pa ring net sa bahay at sinusunog ang bulsa ko. Hindi ko inakala na porket sembreak eh.. marami akong maiisip na kabalbalan at kagaguhan.
So yun update lang: wala pa ring asenso ang paglalakad ko ng ID na 'yan. Dahil kanina, pagkarelease ng birth certificate ko na issued ng NSO, eh laking gulat ko dahil ang binigay sa'kin yung sa kapatid kong si Dodong! Anak ng pitumpu't puting tupa! Kaya bukas, babaybayin ko na naman ang v.luna rd papuntang east ave. At panigurado, kakain na naman ako sa Jbee o sa Dunkin Donuts. HAY, isa lang ibig sabihin niyan eh = GASTOS!
Kaya ang resulta: walang birth cert = kulang requirements for postal id shit = walang id!
walang id = hindi makukuha ang backpay!
Pagkagaling NSO, umuwi muna ko at pumunta sa kapitbahay kong si Camps. Tumutulong din kasi ako mag-ayos ng mahiwaga niyang PC hehe, kahit na ang tulong ko ay cheer lang! haha. Kahapon pala (10.20.08), nagpunta kami sa lugar na tinatawag na Cubao, at hayun naglakad kami papunta at pauwi. Isa lang masasabi ko, tangina kagaguhan! biruin mo, simula sa amin (anonas) papuntang Cubao! Pero ayos lang kasi exercise kahit papaano. Ika nga ni Camps, "burn the fats!" shet, may ibuburn pa ba sakin bukod sa tiyan kong puro alak? HAHA.
Nang dahil sa paghahanap ng isang piyesa ng PC na lahat ng pinuntahan namin, walang tindang ganun at nakakawindang. nakakabaliw. hay. At kanina, naulit ulit 'yon, umabot na kami ng Arayat, Cubao. WAH. Lahat ng usok galing sa jeep, sinalo ng mukha ko! Good luck naman talaga. Ahh, para sa inyong kaalaman, may pera kami pampasahe pero trip lang talaga namin maglakad. Pasalamat na lang din sa Big Uhaw o Big Gulp ng 7-11 dahil napapawi ang uhaw namin! naks. At sa Marlboro Lights at lighter kong baby Cricket na lagi kong kasama saan man ako pumunta. Isa lang ang naisip ko..
Lakad sa main road w/ all types of vehicles + yosi + malamig na inumin + init ng panahon = amp! di ko alam, kayo na magsabi. HAHA. eer.
Tama na 'yang lakad-lakad na 'yan, nakakapagod kapag binabalikan ko pa. HEHE. Hinding-hindi ko makakalimutan ang nakita kong shirts sa Cubao Expo. Sobrang na-elibs at natuwa ako dahil mas maganda pa kaysa sa Artwork shirts ko. At ang mga shirt na 'yon ay LOMO shirts! Panget lang pakinggan pero ang saya saya. Mahal ko pa rin ang Artwork subalit gusto kong i-try ang mga shirt na 'yon. Sakto pa naman mag 2nd sem na at kailangan ng maraming stock na damit dahil kami'y civilian. Weee.
Sooo yun, if ever may alam kayong shirt na sa tingin niyo ay may uniqueness at artsy-artsy ang dating eh ipagbigay alam niyo naman sa'kin.. please! ahh, yung affordable sana, hehe.
(nasa mood ako ngayon kahit masakit ang binti ko kalalakad, gutom na ko at gusto ko ng umuwi.)
sige..
"Ol-rek" claro ba?
Oct 21, 2008
tupa!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment