"Ol-rek" claro ba?

Oct 17, 2008

Dumaan

HAHA. Nakakatawang basahin ang mga previous entries ko. Akalain mo nga naman na naisulat ko noon yung mga yun. Shet, disgrace to, para kong emo noon, kulang na lang eh, maglaslas ako. Hay, ito ang epekto ng bored at sabog.

Nasa internet shop ako ngayon, alam mo na ang dahilan kung binabasa mo blog ko. Well, sa mga makakabasa pa lang nito, wag niyo nang basahin, wala kayong mapupulot HAHA. So yun going back, putol kasi ang dakila kong DSL. Natigil at nasira tuloy ang negosyo ko sa pagdadownload ng Porn at kung ano ano pa. Para sa inyong impormasyon, quality porn yata ang pinoproduce ko, swerte lang at meron kasing membership sa sikat na porn site. HEHE.

Hindi ko alam kung bakit nag login ako sa blogger matapos kong basahin mga entry ko noon. Galing lang ako sa Aurora para bumili ng Sim Card. Nasira na kasi yung luma kong Sim, asar nga eh, bigla na lang nawalan ng signal last monday (ewan nakalimutan ko na yung petsa). Basta yun, sira ang sim ko hanggang ngayon, hindi ko pa naipapasok sa telepono ko tong binili kong sim. I-text ko na lang kayo kung alam ko number niyo para sa bago kong numero. Hindi ko ilalagay dito dahil wala rin naman kukuha nun at mag-aaksaya lang ako ng lakas para lang itype yung mga numero nun.

Hayun naisip ko na ang ilalagay ko rito.

Kahapon (Huwebes), pumunta ako ng Makati para kunin ang minimithing backpay ko sa dati kong pinagtatrabahuan (dati kasi akong Giggolo, hehe, amp). Dahil sa mabait talaga ang fortune at lalo na si Lord, nakuha ko naman. Pero naalala ko lang, nung naglalakad ako sa Makati, siyempre may mga nakakasalubong ako. Hindi ko maintindihan hanggang ngayon kung bakit tumitingin sila sa'kin, hmm. Oo alam ko, hindi ako gwapo, 'wag kayong mag-alala hindi ako mag-fi-feeling, di ako ganun. Wala naman akong tae sa mukha. Hay. Obvious naman kasi na ang Makati ay parang sentro ng negosyo at opisina sa Pilipinas. Ayos dun, maraming pera, siguro kapag hinoldap mo lahat ng tao dun, matutumbasan mo yaman ni Henry Sy (siya kasi ang pinakamayamang Pilipino ngayon, ayon sa balita). Ayos yun, pero baka pati pera ni Henry Sy, matangay mo HAHA. So yun, wag niyong gagawin yun, masama yun. Naisip ko lang bigla yun, nako basta pera, masisira ka. Tsk. So yun, going back, since maraming negosyo, opisina at pera (bakit kasama pati pera?), eh natural mga tao dun nakaCorporate attire, hehe wow. Nakakatuwa nga eh, sa daan ako lang mukhang rugged. Oh well, wala naman akong pake dahil di naman ako nagtatrabaho tulad nila, dakilang estudyante lang ako. Basta yun, baduy kasi ako manamit hehehe.
(ano ba 'tong sinulat ko rito? walang sense hehe)

So yun naisip ko na talaga yung gusto ko ilagay dito. Tungkol sa ID. Lintek na ID yan hindi ko tuloy mapa-encash ang mahiwagang cheke na binigay sa'kin bilang backpay ko. Hay. Napakarami kong mabibiling Butong Pakwan at Mani doon. Hehehe. Bakit pa kasi kailangan ng ID? Hehe, pagpasensyahan niyo na ko, natatanga na ko dahil sa ID na 'yan. Nakakaasar lang talaga. At yun ang pagkakaabalahan ko next week, ang lintek na mga ID na 'yan! Ito ay epekto ng walang yosi. Hehehe.

Bago ko i-logout ulit ang Blogger ko, at umuwi na ng bahay dahil gutom na ko. Marahil matagal na naman bago magkaroon ng post o entry dito. Tinatamad nga pala ko mag English at wala ko sa mood mag English, at saka di na yata ko marunong magsulat ng English, hehehe. Puro kasi hapon ang pinapanood ko ngayon, oo yung Bukkake, hehehe joke lang. Basta mga kartuns ng hapon, masaya panoorin pero yun nga lang, parang mabobobo ka sa english, kasi mali rin ang subtitle eh, amp. Ahh... yun. If ever may pera na ulit ako na malaki, ipapakabit ko na ang DSL! HAY. Hirap ng walang internet sa tahanan, asar.
Basta yun, since may oras pa ngayong sembreak, may ginagawa akong istorya na sa tingin ko magiging maayos na this time, ihihiwalay ko yung address (url) nun, hindi rito sa psychedelic. Wala kong mabibitawang description about dun, basta masaya ako at naisip ko mga kabalbalan na yun HAHA. Ahhh.. sige yun lang.

(kailangan ko na ng Nicotine sa katawan, yan ang isa sa mga droga ko.. ooops. hehe)

0 comments:

Futile Ideas

I

Si Ulrichk ay si Olrek, at si Olrek ay si Ulrichk.