"Ol-rek" claro ba?

Oct 28, 2008

2005: aydul

Unang-una nagpapasalamat ako sa pc ng pinsan kong si Giane dahil nakakapag-internet, nakakapag-download ng "alam mo na"... edi MP3!, at siyempre nakakapagtype na naman dito sa blog kong malupet haha. Pero siyempre, papasalamat din ako kay Camps dahil siya nagyaya sa'kin na pumunta rito sa Farrrview! Layo eh, amp. Hayun..

Bawat tao marahil may kanya-kanyang idol/aydul/idolo at kung ano pang tawag nila dun sa konseptong 'yon. Hindi natin maaaring bastusin ang kanilang iniidolo, kumbaga eh, "bastusin mo nang lahat! ... 'wag lang ang idol ko". Diba? Iba sa kanila sa sobrang die hard o hardcore sa kanilang idolo eh, talagang dadanak ang dugo para lang ipagtanggol ang kanilang idolo. Nakakatuwang isipin na may ilan sa ating mga kababayan/kasangga/kadugo/kaibigan at kapitbahay ay ganyan ang pananaw pagdating sa idol. Tulad na lamang ng mga forums ng mga sikat na celebrity, mapaabs-cbn, gma, ibc13, rpn9, ptv4 at abc5 pa 'yan. Ang mga tao diyan, nagaadik buong araw at gabi para lang bantayan at ipagtanggol ang mga sinasabi ng mga taong may pagkakritiko ang dating ukol sa kanilang idolo. Di alam ng karamihan eh, 'yung mga kritikong 'yon ay may iniidolo rin, hindi lang nila inaamin dahil baka sila ay madale rin ng iba. Ang malubha eh, halos matadtad na ang keyboard kakatype ng mga taong 'yan. Kawawa naman ang space bar at enter! At ang iba, magdamag nakatambay at naglalagas ng bulsa sa mga internet shop/cafe para lang masubaybayan ang forums. Hindi lang pala sa forums nangyayari ang mga 'yan, kundi pati sa mga comment portion ng isang website na may mga streaming video ng kanilang iniidolo, official man o ito o pirata lang tulad na lamang ng mga videos sa youtube, diba? Basta ang importante at nasa isip ng isang tagahanga, nandoon sila para lang protektahan ang kanilang idolo.

Ako rin naman inaamin ko na may iniidolo ako sa buhay ko. Siyempre kasama na diyan ang nanay ko, given na 'yan eh, halos lahat naman ganyan ang isasagot lalo na kung live interview o slumbook. Pero 'yun nga, may iniidolo rin ako, naalala ko pa nung bata ako, sobrang idol ko si Batman. Hindi siya celebrity eh, superhero siya by night. Alalang-alala ko pa na every Sunday, kakasweldo man o hindi ng nanay ko, palagi akong binibilhan ng action figure ni Batman. Iba-iba 'yon kada-linggo. Noon kasi, pwede mo pang palitan ng armor o suot si Batman. May pangtubig siya na armor, may panlaban talaga at may panlipad din. Bukod dun, may mga armas o weapon at accessory din siya na kasama everytime na bibili ka ng armor niya. Kumbaga eh, parang uniform ng estudyante na grade school o elementary, kung nakapolo eh dapat nakashorts o pants. Siyempre, hindi mawawala ang kanyang sasakyan at motor. Naaalala ko pa, ayaw pa kong bilhan ng ganun ng nanay ko dahil mahal ang ganoon. Sobra kasi akong "bilmoko" noon. Pero siyempre, nadaan ko sa pakyut ko at panlalambing, hayun binilhan ako. So yun, habang tumatagal nun eh, masaya ang paglalaro ko ng Batman.
Kasama ko pa noon ang pinsan ko, eh nung bata kami, iyakin at pikon ako, kaya hayun, madalas akong asarin. Pero hindi pang-aasar na mataba ako o sa kaanyuan ko, kundi dahil daw si Batman ay mahina naman kumpara kay Superman at sa iba pang comic heroes. Malay ko ba na totoo 'yon? Masama pa nun eh, pinapalipad kasama ng baby rocket ang iba kong Batman na laruan, dahil kung malakas daw si Batman, eh makakabalik daw ulit siya sa'kin pagkatapos paliparin sa pamamagitan ng Baby Rocket.
Kaya hayun, madalas kong ipinagtatanggol si Batman hanggang sa tumulo na umagos ang malaposo kong luha. Dahil mahal ko si Batman eh, siya lang ang kalaro ko noong bata pa ko. Pero 'yun nga, lumipas na ang taon at dumating ako sa kinalalagyan ko ngayon at masasabi kong nawala na ang pagmamahal ko kay Batman dahil mas nabilib na ko sa isa sa mga malupet niyang kalaban, si Joker. Naimpluwensiyahan na ko marahil ng movie ng Batman kamakailan lang. Natural iba na ang pag-iisip ko tungkol dun pero aaminin ko, idol ko pa rin si Batman kahit na wala talaga siyang superpowers tulad ng iba. Bilib naman ako sa talino at diskarte niya kahit na minsan eh, sablay.

Kaya bilib pa rin ako sa mga tao ngayon, saan man sila nakikipagdigmaan para lang sa kanilang idolo, mapacelebrity, superhero, politiko, at kung ano ano pang idolo na mayroon sila dahil nananatili silang malupet sa pag-aaksaya ng oras, hehe joke lang. Marahil kung 'yon ang paraan para mamotivate, mainspire at mabuhay sila eh ayos lang naman sa'kin. Ano man ang rason nila, wala na kong say. Importante, masaya. Rak en rol lang diba?

-Ulrichk

0 comments:

Futile Ideas

I

Si Ulrichk ay si Olrek, at si Olrek ay si Ulrichk.